Tuesday, December 14, 2004

speaking of angels...

one of the greatest angels on earth i've met is my mother... by the way she just celebrated her birthday last Sunday!
a mom who is perfect. i thank God for her...if i were given a chance to choose who would be my mom, i would choose her all over again!!! =)
just like to share a poem i made for my mom intended for mother's day a few years ago... i'm so sorry it is in Filipino, i haven't made a translation to English yet.

here it goes...

SALAMAT INAY

Simula pa lang ng aking pagkabata
Ikaw ay palaging bantay
At sa aking paglaki
Iyong kamay ang siyang gabay

Walang kapantay ang pagmamahal mo inay
Ito'y hindi magmamaliw kahit kailanman
Sadyang hindi maikakaila
Ang iyong walang humpay na pag-aaruga

Ang aking pasasalamat sa iyo ay inihahatid
Sa aking munting tula sa iyo'y iparirinig
Tunay ngang wala kang katulad, wala nang hihigit
Sa iyong pagmamahal ay wala nang makapapalit

At sa aking pagtanda aking babaunin
Ang iyong mga pangaral at mga mabubuting gawi
Mahabang buhay at maayos na kalusugan
Ang hiling ng aking puso para sa iyo

Anumang gawin ay hindi matutumbasan
Ng yaman nitong mundo't kalawakan
Pagmamahal na sa aki'y inilaan
Buong buhay ma'y hindi masusuklian

O aking Diyos salamat sa Iyo
Sa pag-iingat at pagkalinga mo
Sa aking inay na kung magmahal ay lubos
Kaya't pasasalamat sa Iyo'y wagas at taos,
SALAMAT PANGINOON, SALAMAT INAY.



No comments: