Sunday, March 16, 2008

Nakakapagpangiti

May mga bagay na nakakapagpangiti.

Isang umaga na papunta sa office, trapik at medyo inaantok-antok pa.hehe. Medyo naiirita na naman ako sa trapik nang mapatingin ako sa mga signboards. Yung isang signboard ang sabi, "GENERAL BODY REPAIR & PAINTING WE FIX BANGGA, DENTS, ETC. MECHANIC ON DUTY". Binasa ko lang yung signboard, tapos bigla ako napaisip kung anong ibig sabihin ng "bangga". Nakailang banggit ako sa sarili ko ng salitang "bangga" (in American accent!hehe). Akala ko English word! Grabe, hindi lang ako napangiti, natawa ako sa sarili ko. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko habang nagda-drive hanggang makarating ako sa UP. Hanggang ngayon sinisilip-silip ko yung signboard na yon tuwing nadadaan ako at napapangiti pa rin ako.


Na-appreciate ko ang trapik pa-minsan-minsan kasi nagkakaroon ng pagkakataon na kumuha ng mga pics, parang "Slice of Life" ni Larry Alcala. Matagal ko na gustong dalhin ang Japan-surplus bike ko sa UP. Pero di kasya sa likod ni Suzuki. Sabi ng mom ko bibilhan na lang raw nya ako ng foldable bike para magkasya. Nung nakita ko ito, napangiti ako at nagkaroon ng idea. Tanggalin ko na lang kaya yung spare tire sa likod ni Suzuki at isabit si Japan-surplus bike?! :)

Di ko alam kung bakit naaaliw ako sa Volkswagen Beetle Bug. Napapangiti talaga ako! Nakatabi namin ito sa Podium parking nung nakaraang Sunday.


Nakakapagpangiti itong sight na ito. Pababa ito sa stairs. Inaabangan ko ang cloud formations at effect ng sunset sa clouds dito kapag uuwi na ako. :)

Ang sweet ni God dahil binibigyan nya ako ng pagkakataon na ma-appreciate ang mga bagay-bagay at mapangiti sa mga ito. :)

No comments: