Naaaliw ako sa mga terms and trivia. Di ko alam kung bakit. Nung college ako, nagbibigay-aliw ang mga terms na natututunan ko sa human physiology at nutrition subjects.hehe. Kamakailan lang nalaman ko na ang tagalog pala ng nosebleed ay balinguynguy. Kaaliw! Tunog ethnic. Parang pangalan ng isang ethnic instrument - e.g. kudyapi, kulintang, kubing, at bungkaka. Nauso pa man din ang expression na "nakaka-nosebleed" kapag may mga bagay na mahirap maintindihan. Ang medical term naman para sa nosebleed ay epistaxis.
Ako ay nagbalik-tanaw sa mga terms na nagbigay aliw sa akin sa nakalipas na mga taon:
1. Angina pectoris or angina for short - ito ang medical term for chest pain. "Wag kang magalit baka magka-angina ka!"
2. Borborygmy - ito ang medical term para sa growling sound ng stomach. Alam ko lang sa tagalog ito ang sinasabi..."kumukurokok na ang tyan ko!"
3. Dysgeusia - medical term sa pagkawala ng sense of taste. Naaalala ko pa kwento ng teacher ko nung college pambiro nila itong term na ito sa mga classmates nila na walang taste sa pagpili ng boyfriend or girlfriend. Sa pagkakatanda ko kulang sa zinc kaya nagkaka-dysgeusia.
4. Cardiomegaly - medical term sa enlargement of the heart. Basta kapag may suffix na -megaly ang ibig sabihin ay enlargement or swelling ng size - e.g. hepatomegaly (enlarged liver), renomegaly (enlarged kidney). O-megaly = enlarged letter O?hehe.
5. Steatorrhea - medical term for fatty stool. Ito raw ang karaniwang side effect ng pag-inom ng diet pill.
6. Allium Cepa - scientific name ng onion. Pano kung may pagka-scientist yung nagtuturo sa mga cooking shows... "Sauté the Allium Cepa..."
7. Moringa Oleifera - scientific name ng malunggay. Herbal plant ang malunggay. Naalala ko yung isang pinsan ko nung bata pa sya tuwing nagkakasugat sya ang sinisigaw nya ay "Magdikdik kayo ng malunggay!"
8. Y'ami - ito ang pangalan ng island na nasa pinakataas ng Pilipinas. Sa pagkakaalam ko ito ay kasama sa Batanes group of islands.
9. Bundok Buntis - pangalan ng bundok sa may Maragondon, Cavite kung saan pinatay si Andres Bonifacio. Sabi sa mga history books may mga haka-haka na si Emilio Aguinaldo raw ang nagpapatay kay Andres dahil sa pulitika. Tsk, tsk, tsk... pulitika talaga.
10. Ubuntu - pangalan ng isang Linux operating system (free and open source software). Ang "ubuntu" pala ay isang ancient African word na ang ibig sabihin ay "humanity to others". Ang nakalagay sa jacket ng installer CD ay "Ubuntu is software libre. You are encouraged and legally entitled to copy, reinstall, modify, and redistribute this CD for yourself and your friends. Share the spirit of Ubuntu!" Great, di ba? Not your typical "illegal copying and distribution of this CD is punishable by law!"
Yan lang muna ang mga naalala ko sa ngayon.
P.S.
Ah, sa nickname ko rin may naisip na ako na nakakaaliw na terms:
- Patpat Tin = payat si Tin
- Sakit Tin = masama ang pakiramdam ni Tin
- Taba Tintin = kapag tumaba na si Tin
- Kulit Tin = hyper-mode si Tin
- Mainit Tin = kapag may bad temper si Tin
Epekto lang ata ito ng global warming kay Tin. Hehe. :)