Wednesday, December 14, 2005

alaala

Habang nasa gitna ako ng isang matinding traffic nitong nakaraang araw, naisip kong magmunimuni at magbalik alaala.
Ilang araw na lang at magiging isang alaala na lang ang taong 2005.  Hay, kay bilis ng araw, parang kailan lang...
2005...alaala ng maraming tao at bagay -- isang dagdag taon sa buhay ko, sa katapatan ng Diyos sa akin; pilat sa aking binti -- alaala ng isang aksidente at patuloy na pag-iingat ni God; mga bagong kaibigan at kakilala, mga pinagtibay na pagkakaibigan at samahan -- alaala ng mga biyaya ng Diyos; mga panahon ng paghihintay at mga aral na patuloy na natutunan mula dito -- alaala na marami pang tinuturo si God; mga regalong natanggap -- alaala ng mga taong nagmamahal at kumakalinga, ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos...
 
isang taon na pala si blog...Ü

No comments: