“Gusto ko ng sports car…yung red!”
“Ito ang gusto ko!”
Ilan ito sa mga TV commercial ads na naalala ko tungkol sa “gusto”. Nakakatuwa si God kasi kahit sa mga ads na ito may mga bagay Sya na gustong sabihin, gustong ipahiwatig sa akin. Hindi ko alam kung pinapalabas pa yung mga ads na ‘yan pero ang mga ito ay nag-iwan sa akin ng mga aral na pinaaalala sa akin ni God paminsan-minsan.
Sa mga nakaraang mga araw, napansin ko na marami akong gusto…gustong gawin at gustong bilhin. Dati rati, hindi ko alam ang gusto ko, kasi nasanay lang siguro ako na kung ano ang nandyan ok na sa akin. Kahit sa prayers, minsan lang ako humingi kay God ng tiyak na bagay. Natututunan ko ngayon na gusto pala ni God na sinasabi sa kanya kung ano talaga ang gusto mo, lahat ng detalye, kumpleto kung pwede lang. Sa ganitong paraan malalaman mo rin na sinagot na pala ni God yung prayer mo. ‘Yan ang lesson ko dun sa first tagline ng commercial. Kasi kung matatandaan nyo hindi nasabi nung lalaki ang buong detalye ng request nya, binigay tuloy sa kanya kalahating sports car pero red in color naman. :) At kung maaalala nyo rin, kalahati kasi yung biscuit na binigay nya dun sa old lady di ba? Nakita ko lang dun na dapat buo ang trust natin kay God at walang pag-aalinlangan gaya ng faith ng mga tao sa Hebrews 11, kahit anong mangyari, kahit matupad man o hindi ang mga pinagdarasal nila, kahit sobrang tagal ng sagot ni God, buong-buo ang trust nila kay God. Sana nga lang ganon kadaling gawin ang lahat ng mga sinasabi ko noh! :) Syempre, dapat in accordance with God’s will pa rin ang mga request. Nakakatuwa talaga si God, sobrang galing nya. Sobrang pasensyoso Sya sa mga taong tulad ko na makulit at kung minsan ay matigas ang ulo. Palagi na lang ako, “Ito ang gusto ko…ito ang gusto ko…ito ang gusto ko!” Kulang na lang mag-rally ako kay God. :) Nakakalimot akong magtanong sa Kanya ng... “God, ano po pala ang gusto Nyong gawin ko?” o kaya naman “God, ano po ang gusto Nyo para sa akin?” Hay, minsan kasi nakakalimot ako na hindi na nga pala ako ang tsuper ng buhay ko… pilit kong inaagaw ang manibela sa mas nakakaalam na magpatakbo ng buhay ko at Sya mismo ang nagbigay nito. Minsan kasi masarap ang feeling kapag may nagawa ka na ikaw lang mag-isa ang gumawa, walang hinihinging tulong sa ibang tao. Akala ko napakalaking bagay ang nagawa ko pero kung susuriing mabuti ay sobrang liit lang pala, gahibla lang ng buhok. Kung iisipin mo lang talaga wala kang magagawa sa sarili mo lang kakayahan. Sabi nga sa Bible, “Apart from God, we can do nothing!” May pagkaulyanin lang yata ako paminsan-minsan. Puro akala ko, akala ko… akala ko kaya ko, hindi naman pala…akala ko gusto ko, pero ‘pag binigay na nya hindi pala ‘yon ang gusto ko o kaya may gusto ulit akong iba… Siguro nabatukan na ako ni God sabay sabi, “Ano ba talaga ang gusto mo ha?!” Back to square one na naman tayo nyan, “ano nga ba ang gusto ko?” Hindi ko talagang kilala ang sarili ko kaya dapat tinatanong na lang ulit si God kung ano ang gusto nya para sa akin. Total, Sya naman ang mas nakakaalam. Minsan naguguluhan rin ako sa Kanya…sabi nya maging specific sa prayers tapos madalas hindi naman nya sinasagot. Hehehe…ang ultimate goal ni God sa prayer ay ang character development natin. Napansin ko lang, sa umpisa ng Christian life ko, feeling ko lahat ng prayers ko sinasagot Nya kahit ultimo napakaliit na bagay, “yes!” ang sagot. Tapos ng lumaon, aba parang pakonti ng pakonti ang sinasagot ni God. ‘Yon pala He’s building yung trust ko sa Kanya, pinapa-grow Nya yung faith ko. Siguro kung magsasalita lang si God in audible voice, “Anong tingin mo sa akin, isang genie? Hindi mo ba alam na makakasama sa ‘yo yang hinihingi mo sa akin?” ‘Yon yung mga “no” na sagot ni God. Kung minsan naman makakasama sa atin ‘sa ngayon’ kung ibibigay nya agad yung hinihingi natin sa Kanya. Kaya ‘wait’ ang sagot Nya. Trust lang kay God, perfect timing Sya always! :)
Kailangan lang talaga na maging close kay God palagi para malaman kung anong gusto Nya.
Hmmm…alin kaya sa mga gusto ko ang gusto ni God para sa akin? :)

No comments:
Post a Comment