Tuesday, March 22, 2005

Pakiwari

Itong mga nagdaang araw pakiwari ko ay nasa isa akong "roller coaster" ng mga emosyon.

May mga araw na pakiwari ko ay sobrang gaan ng feeling (parang isang shampoo commercial!).
May mga araw naman na parang nakasadlak ka sa lupa o kung mas malala pa ay sa putik (para namang isang eksena sa madramang pelikula).
May mga araw naman na parang wala lang... lumipas ang araw ng hindi mo namamalayan at parang walang makabuluhang nangyari.

Nakakatuwa si God kasi sa sobrang dami ng emosyon, e hindi ko alam kung ano na ang tawag sa kanila. Nagpapatunay lang na ang Diyos ay isang napakalaking Diyos (big God ba?!!) at napakagaling (awesome, amazing, wonderful, etc!!!).

Pero sa bawat emosyon mayroon Syang tinuturo. Ngayon lamang ay para akong sasabog na bulkan sa sobrang inis. Hindi ko gusto ang nangyayari sa sitwasyon at hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang ugali ng ibang tao - pero bigla kong naalala na "life is a test", sabi nga sa Purpose Driven Life (PDL). Paano ka nga naman matututong magmahal kung lahat ng tao sa paligid mo ay kaibig-ibig (lovable ba?!!) kaya nilalagay ni God ang ibang taong para bang kay hirap mahalin.
Mayroon gustong ituro si God sa akin. Sa ngayon, hindi ko pa alam pero dapat makapasa ako sa "test" na ito. Nabanggit rin sa PDL na "God is more concern on your character."

Hay, parang katulad ng grapevine na dumadaan sa "pruning stage". Masakit na proseso pero may maganda namang kalalabasan.

Pakiwari ko ang dami pang gustong ituro sa akin ni God. =)

No comments: