Wednesday, July 06, 2005

er shi san

Er shi san…beinte y tres…di chap san…twenty three…dalawampu’t tatlo…

Dalawampu’t tatlong taon na ang nakaraan ng una kong masilayan ang mundo.  Parang kailan lang, kay bilis talaga ng panahon.  Isipin mo dalawampu’t tatlong taon na pala ang nakalipas.  Ano na nga ba ang mga narating?  Ano na nga ba ang mga natutunan?  Ano na nga ba ang mga nagbago?  Ano na nga ba ang mga napagdaanan?  Kahit ano pa man yon, isa lang ang hindi nagbabago, at ‘yon ay ang dakilang katapatan ng mapagpalang Diyos.   Walang makakapantay.  Walang makakapalit.  Walang makakatalo.

Salamat O aking Diyos sa dalawampu’t tatlong taon kong pamumuhay sa mundo…

Nawa’y magdulot ang buhay ko ng kapurihan sa Iyong dakilang pangalan!