Monday, July 25, 2005

Sino pa ang mamahalin ko ng ganito?
Ikaw na buong buhay mo'y inilaan
Nagbigay sa akin ng kaligtasan
Nagdulot sa akin ng kapayapaan

Ano pa ang hahanapin ko?
Pagmamahal mo'y iyo ng napatunayan
Mga kailangan ko'y iyo ng tinugunan
Pinagkalooban mo ng ibayong kaligayahan

Hindi ko masusuklian
Ang iyong dakilang katapatan
Alay ko sa 'yo'y kapurihan
Pasasalamat ay walang hanggan.

No comments: