Tuesday, August 23, 2005

meron pa kaya? (episode 2)

Katatapos lang tumila ng malakas na ulan.  Pauwi na ako.  Mahaba ang pila sa sakayan ng jeep.  Biglang may dumating na bus.  Sumakay na ako kahit may mga nakatayo na.  Parang nangyari na 'to ilang linggo lang ang nakalipas.  Lumingon-lingon ako, mas marami nga lang lalaki ang nakatayo ngayon kumpara nung unang pagkakataon.  Sa kasuluk-sulokan ng aking isip ay may konti pang natitirang pag-asa na may magpapaupo sa akin sa pagkakataong ito.  Marami-rami rin ang mga lalaking nakaupo.  Lumipas ang ilang minuto...dumaan sa ilang stop light...nakatayo pa rin ako.  Sabi ko na nga ba sa sarili ko, "asa ka pa?"  Aasa pa ba ako sa susunod na pagkakataon?  Napaisip ako, talagang KKB na sa ngayon...Kanya Kanyang Buhay! Walang pakialamanan! Napaisip ulit ako, hindi ba ako mukhang babae?  Hay... :)

1 comment:

Anonymous said...

ehem. *nakunsensya* hehe. last time nung nagbigay ako ng seat sa isang may edad
na babae sa bus. sabi niya:

"uy boy scout!"

na medyo napalakas ata pinagtinginan tuloy ako ng mga tao sa bus nung pagtayo ko.