Medyo maulan ng pauwi ako kagabi galing ng office. Hindi naman gaanong kahabaan ang pila para sa jeep pero biglang lumakas ang patak ng ulan. Tamang-tama na may dumating na bus. Naisip ko kahit nakatayo na lang ako sa bus basta hindi na lang mabasa ng ulan (actually may dala naman akong payong kaya lang medyo lumalakas na ang ulan). Ok na rin kasi mukhang madalang ang pagdating ng mga jeep and at least umuusad na rin sa traffic kaysa naman sa maghintay pa ng jeep sa ilalim ng ulan. Pagsakay ko ng bus, napaisip ako bigla, “sana may gentleman naman na magpaupo (wishful thinking!)”. Lumingon-lingon ako sa paligid at medyo nabigla ako sa aking nakita. Marami palang babae na nakatayo, sa palagay ko nauna pa sila sa aking nakasakay sa bus. At marami ring lalaki ang nakaupo. Sabi ko sa sarili ko, “asa ka pa?” Pero syempre sinubukan ko namang i-justify ang mga lalaking nakaupo, malamang pagod rin sila sa work kasi yung iba tulog (o nagtutulog-tulugan lang?), ang iba naman ay malalim ang iniisip at malayo ang tingin sa labas ng bintana (o talagang nagpapatay-malisya lang, in short deadma!). Napaisip tuloy ako, “meron pa kayang gentleman, I mean, gentlemen sa ngayon?” Naisip ko ulit, “there’s always an exception naman, hindi siguro lahat ng men ganon, sana naman…” :)
Friday, August 12, 2005
meron pa kaya?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment