Saturday, August 27, 2005

meron pa kaya? (episode 3)

Kaninang umaga, nagmistulang eksperto na naman ako sa pag-forecast ng weather. Naisip ko "it's a sunny day!" Kaya iniwan ko na naman ang aking payong. Pumunta ako sa isang team building activity ng office na dala-dala lang ang aking sarili at maliit kong bag. Parang nananadya ang panahon at nung hapon ay biglang naging maulap, makulimlim at nawala si haring araw. Biglang umambon at bumuhos ang ulan. Mabuti na lang at may sasakyan pabalik ng office (sa ibang lugar kasi yung team building activity). Maulan pa rin pero salamat sa Diyos at hindi na kalakasan. Sabi ko sa sarili, "hindi ka pa natuto...nangyari na 'to kailan lang." Minsan talaga may pagkamatigas ang ulo ko at may kasama na ring katamaran sa pagbitbit ng payong. Dalawang sakay na lang (isang jeep at tricycle) at makakauwi na ako. Salamat talaga sa Diyos at hindi gaanong malakas ang ulan. Sa pagpunta ko sa abangan ng jeep, may tatlong manong na nakapayong. Ang mahiyaing si ako ay KKB (kanya-kanyang buhay) at walang pansin sa pagkakataong ito. Nakakahiya naman na makisilong sa payong nila. (Hmmm...pride ba ito?! *ngiting aso*) Wala pang parating na jeep kaya naisipan ko na ihanda na ang aking pamasahe. Aba, napansin ko na yung isang manong parang nag-aalangan na iniuurong ang payong sa kinatatayuan ko. Nilingon ko sya at ang sabi nya, "iha, makisilong ka muna sandali." Sagot ko naman, "sige ho, salamat." (Share na kami ngayon ni manong sa payong nya.) Ilang sandali lang ay may dumating na ring jeep, pinara ko. "Thank you po ulit," ang sabi ko kay manong bago ako tumakbong pasakay sa jeep. Sumagot naman sya, "sige, iha."
Napangiti ako habang nakaupo sa jeep. Naisip ko lang, tama pa rin ang kasabihang "Habang may buhay, may pag-asa." May mga maginoong lalaki pa pala sa ngayon. Sana mabuhay na sa pagkakahimlay ang ugaling pagiging maginoo ng mga lalaki. At sana matuto ring magpasalamat ang mga babae. Hay, kay tamis ng buhay kung ganon di ba? (Tunog commercial yata ito! *ngiting aso ulit*) At sana...hindi na matigas ang ulo ng isa dyan, magdala na ng payong always. :)

1 comment:

Anonymous said...

sino yung matigas ang ulo? hehehe bili ka na lang ng payong na maliit... ung kasya din sa bag mong maliit para di ka tatamarin magdalang payong next time =) pero masaya din di ba ang nakakalimot ng apyong paminsan-minsan? makes you appreciate God's goodness may magpaupo man sa iyo sa bus o wala... makishare ka man ng payong o hindi =) pag may maginoo, super napapaisip ka na --- YES! Pede pang makahanap ng ganito. Pag wala naman, makes you appreciate ung mga kakilala mo na super maalaga sa iyo di ba? Either way WIN-WIN situation pa rin kasi we get to appreciate God more... ang haba na shobe nito=) hehehe