Wednesday, March 22, 2006

magmamahal ka ba...

magmamahal ka ba ng taong meron ng mahal na iba?
 
yan ang tanong na nakita ko sa TV nung isang gabi.  hmmm... napaisip tuloy ako. :)
 
naisip ko lang si God.  obvious na ang sagot nya ay "oo".  kahit si Job nga ay napatanong kay God ng "what is man that you are mindful of him?" kahit anong gawin mo, nandyan pa rin sya, naghihintay, nagmamahal.  naisip ko higit pa sa isang masugid na manliligaw si God, kahit saan ka magpunta, sinusundan ka, laging nakaalalay.  kahit hindi mo madalas pinapansin, nandyan lang at nakabantay. kahit may mahal kang iba, minsan nga paiba-iba pa, nag-aantay lang na bigyan mo sya ng panahon, hindi ka nya pinipilit.  naalala ko yung kanta ni Kathy Troccoli..."it's your stubborn love that never lets go of me, I don't understand how you can stay? perfect love embracing the worst in me, how I long for your stubborn love."  napapaisip ako ngayon, meron ba akong mahal sa ngayon na higit pa sa pagmamahal ko sa kanya?
 
hay, kamanghamanghang Dios!

No comments: