Wednesday, September 07, 2005

Mabuti Pa Sila

May mga pagkakataon na naiisip ko 'to paminsan-minsan. 
 
Mabuti pa sila... may ganito, may ganoon, blah blah blah... minsan may gana pa akong magtanong sa Diyos bakit ako wala nito, wala nun, blah blah blah... bakit ang tagal ng mga sagot Nya sa mga panalangin ko na parang obligado ang Diyos sagutin lahat ng mga tanong ko...
Minsan nga may panahon pa na nayayamot, nagtatampo, nagmamaktol, nagdadabog...
Kagabi pinaintindi sa akin ng Diyos na hindi makakabuti sa akin ang mag-isip ng ganito kahit paminsan-minsan lang.  Pinaalala Nya sa akin na maging mapagpasalamat sa lahat ng pagkakataon, sa maliit man o malaking bagay, sa hirap man o ginhawa, naiintindihan ko man o hindi ang mga bagay-bagay.
 
Patawad O aking Diyos kung nakakaligtaan kong magpasalamat sa Iyo...
...salamat po at ako'y humihinga pa, buhay at may lakas
...salamat po sa biyaya na Inyong binibigay bawat araw
...salamat po na ako'y may trabaho
...salamat po sa aking pamilya
...salamat po sa mga kaibigan ko
...salamat po sa magandang paglubog ng araw na namalas ko kahapon
...salamat po at ligtas akong nakauwi kagabi
...salamat po at ligtas rin akong nakarating sa opisina
...salamat po sa masarap na tulog
...salamat po sa kakayahang mag-isip at magbasa
...salamat po at nakakalakad ako
...salamat po sa aking pandinig at naririnig ko ang mga tinig ng tao at magagandang musika
...salamat po sa aking mga kamay at marami akong bagay na maaaring magawa
...salamat po sa aking mga damit at sapatos
...salamat po sa maayos kong kalusugan
...salamat po sa dagdag na taon sa aking buhay na Iyong ipinagkaloob
...salamat po sa mga problema at natututo ako
...salamat po sa mga pagkain na Iyong binibigay araw-araw
...salamat po sa kakayahang matukoy ang iba't ibang kulay
...salamat po sa walang hanggang pag-ibig Mo sa akin
...salamat po sa Iyong anak na si Hesus na nagbuwis ng buhay para ako'y maligtas sa aking mga kasalanan
...salamat po sa lahat...
 
Makakalimutin lang pala ako sa mga bagay na binibigay at nagawa na ng Diyos para sa akin.  Maraming bagay pala akong dapat ipagpasalamat.
Dapat kong tandaan palagi na magpasalamat sa lahat ng oras.
O aking Diyos pwede pong humiling?  Ipaalala Nyo po sa akin na maging mapagpasalamat lagi. :)
 
 

2 comments:

under the bright lights said...

salamat sa mga mp3 na ipinadala mo sa akin.. =)

tine said...

to thriver >> wala pong anuman yon. meron pa akong ipapadalang iba. =)

to belle >> nagpapasalamat rin ako sa Diyos dahil naging kaibigan kita at kapatid kay Kristo!!! =)