Sunday, September 30, 2007

Nasaan Kaya Ako

Sa tuwi-tuwina ako ay namamangha sa kadakilaan ng ating Maylikha. Ang karunungan nya ay hindi maabot ng aking isipan. Namamalas ko ang kanyang kadakilaan at katapatan sa akin araw-araw. Wala akong magawa kung hindi ang magpasalamat sa Kanya. Pero minsan kapag nakakaranas ng hindi masyadong maganda sa buhay, napapatanong ako ng "bakit ako pa?", napapaisip na hindi Sya patas at hindi yata karapatdapat ang mga nangyayari sa akin.

Pero sandali lang, sino ba ako para maging mapaghanap? Ano ba ang nagawa ko para maging karapatdapat? Naisip ko na hindi nga Sya patas, dahil ang isang katulad ko na rebelde at makasalanan ay kanyang minamahal at inaalagaan. Minamahal ang mga hindi karapatdapat? Anong klaseng pag-ibig nga naman ito! :)

Habang nasa ganitong estado ang aking isipan, bigla kong naalala ang koro ng isang lumang kantang Papuri...

Nasaan kaya ako, Hesus kung wala Ka
'Di ko na malaman kung saan ako pupunta
Maaaring nasa hangin pa ako
'Di alam kung saan tutungo*

*Nasaan Kaya Ako by Butch Charvet, Papuri 3 album


Saan nga kaya ako pupulutin kung wala Sya? *napaisip* :)

No comments: